Marahil kung ipunin ang bawat
minutong aking ginugol kapag
naghihintay tawagin ang aking
kaso -- dati nga nakatitig lang
ako sa dingding, hanggang natuto
na akong makinig sa huwes, tapos
naging alalay sa mga kapwa
abogadong kapos sa palusot,
at sa labis na ngang kabagotan,
inisip ko na lang na kunwari
isa akong preso, nagnakaw ng
motorsiklo, carnapping ang kaso,
trip lang ng barkadang paglaruan
ang Shakey's delivery, eh hindi
pala ako marunong mag-motor,
kaya tinakbo ko na lang, ayun!
Nahuli tuloy. Ngayong umaga,
sesentensyahan na raw ako. At
nasa dulo kami ng listahan.
May abogado rito na gusot
mayaman ang Barong, siya ay ngiting
asong nakatitig. Kung sana ay
ako kaya ang abogado at
s'ya ang preso? -- Malamang may sagot
na akong naisip sa tanong ko,
ang paghahatol ba ay tulad ng
delubyo nang wasakin ang bayan
ng Sodom at Gomorrah ng apoy
at asupre, o di kaya naman
nang magwika ang bayang Judea
ipako'ng anak ng karpintero
sa krus dun sa bundok ng Kalbaryo?
Ay naku! Magkaiba ang sagot! Kung ako
ang abogadong taga-usig o
ako ang inuusig na preso!
Friday, December 14, 2018
Ang Apo ni Tasyo ay Atorni
Subscribe to:
Posts (Atom)