Thursday, September 08, 2005

What the Adarna Myth Tells us about Writing and Blogging: Words from the late NVM Gonzalez

Today is September 8 birthday of the Virgin Mother and a late friend NVM Gonzalez, National Artist for Literature and fellow Mindoreno. I was wondering if NVM were alive, what would he be telling the bloggers today? And then I remembered Pete Lacaba's quote from NVM which I'd like to post here for all the bloggers.


"Ang hindi ko malilimutan kay NVM ay ang sinabi niya sa isang forum tungkol sa tungkulin ng manunulat. Hindi ko pa siya kilala noon; nabasa ko lang ito sa isang artikulo tungkol sa nasabing forum.Ayon kay NVM, ang manunulat ay dapat tumulad sa bunsong prinsipe sa kuwento ng Ibong Adarna.

Kung natatandaan ninyo ang kuwento, maysakit ang amang hari at gagaling lamang siya kung maririnig ang awit ng Adarna. Sinubukan ng panganay at ng panggitnang prinsipe na hulihin ang Adarna, pero nang marinig nila ang awit ng Adarna, sila'y nakatulog, at iniputan ng ibon, at naging bato.

Para hindi siya mapatulog ng nakararahuyong awit ng Adarna, sinugatan ng bunsong prinsipe ang sarili niya at pinatakan ng dayap ang sugat. Sa gayon, hindi siya nakatulog, hindi siya napatakan ng tae, hindi siya naging bato, nahuli niya and Adarna, at napagaling niya ang maysakit na amang hari.

Hindi rin dapat kalimutan na tumulong ang bunsong prinsipe sa isang matandang pulubi sa daan, at mula sa pulubi niya natutunan ang sikreto ng paghuli sa Adarna.

Bata pa ako nang una kong marinig ang kuwento ng Ibong Adarna, pero kay NVM ko natutunan ang pagbasa dito bilang sagisag ng tungkulin ng manunulat. Para mabigyang-lunas ang amang maysakit, kailangan mong bigyang-halaga ang pulubing naghihikahos. Higit sa lahat, kailangan mong tiisin ang hapdi ng dayap sa sugat para hindi ka ipaghele at iputan at gawing bato ng Adarna. "


The quote originally appeared here.

Bloggers should really be akin to youngest prince in the Adarna myth. We should listen to the powerless for they may tell us how to stay awake while the politicians dazzle and lull us to sleep. For once we have fallen asleep, the politicians will bless us with their poop and turn us into stone.

1 comment:

  1. Anonymous12:11 PM

    Unfortunately, sir, most of us would rather sleep than listen to the powerless. That is the sad reality. Let's continue blogging and not be lulled.

    ReplyDelete