(Halaw at salin mula sa Soneto XVII)
Di kita mahal gaya ng rosas na asin, topasyo, o hilera ng klabeles na nagsasaboy ng silab:
Mahal kita tulad ng pagtangi sa mga bagay na madilim,
palihim, sa pagitan ng anino at diwa.
Mahal kita parang halamang hindi bumubukadkad at bitbit ang liwanag ng bulaklak, kipkip, sa sarili lamang,
at salamat sa iyong pag-ibig
mula sa lupa ay nabuhay sa aking katawan sa lilim ang
masinsing bango ng rosas.
Mahal kita ng hindi alam kung paano, kailan, at saan
Mahal kita ng tuluyan, walang ligalig at yabang
Mahal kita pagkat hindi ko alam kung anong paraan ka pa mahalin
kundi ganito, walang ikaw o ako
sa digkit ang iyong kamay sa aking dibdib ay akin
sa digkit ang iyong mata ay pikit sabay ng aking pangarap.
No comments:
Post a Comment