Saturday, February 18, 2017

Day 49: Ang Mananayaw ng Harlem

(Salin ng The Harlem Dancer ni Claude Mackay)

Tumawa ang nagpalakpakang kabataan kasama ang mga batang puta

At pinanood ang kanyang perpektong
katawan, may kalahating saplot sa pag-indak

Kanyang tinig ay parang tunog ng timpladong mga plauta

Hinihipan ng mga itim na manunugtog sa araw ng piknik

Umawit siya at sumayaw ng kaaya-aya at kalma

Sukbit ang kanyang magaang na gasa ng kanyang hugis

Sa aking tingin wari siya ay mayabang na umiindak na puno ng pawid

Na lalong gumanda sa paglisan ng unos

At sa kanyang malakayumanggi, 
abot-leeg, itim, at makintab na kulot

Ang marangya ay nahulog, naghagis ng barya bilang papuri

Ang mga namula na sa alak at laki-matang mga binata at kahit mga dalaga

Nilamon ang kanyang hugis sa sabik, madamdaming pagtitig;

Ngunit sa pagtingin sa kanyang mukhang may huwad na ngiti

Batid kong ang kanyang sarili ay wala sa kakaibang lugar na iyon. 

No comments:

Post a Comment