Sunday, February 12, 2017

Day 43: Kung Limutin Mo Ako (Si Tu Me Olvidas)

(Halaw at salin sa tula ni Pablo Neruda)

Ibig kong malaman mong
isang bagay.

Alam mo kung paano ito:
kung ako’y tumingin 
sa  kristal na buwan, sa pulang sanga
ng mabagal na taglagas sa aking bintana,
kung aking hawakan
sa tabi ng apoy
ang di masalat na abo
o ang kulubot na katawan ng kahoy
inihahatid nila ako lahat sa’yo,
umiiral  ang lahat ng bagay
samyo, liwanag, bakal,
na parang maliliit na bangkang palaot
sa mga pulo mong naghihintay sa akin

Bagama't
kung unti-unting tigilan mo akong mahalin
titigil din kitang mahalin unti-unti

Kung bigla
mo akong limutin
huwag mo akong hanapin,
dahil nilimot na rin kita.

Kung isipin mong mahaba at baliw
ang hangin ng watawat
na dumaan sa’king buhay
at iyong piliin
na iwan ako sa bingid
ng puso kung saan ako nag-ugat
alalahanin 
sa ganung araw
sa ganung oras
itataas ko ang aking mga bisig
at ang aking mga ugat ay kakalat
upang maghanap ng ibang lupa.

Ngunit
kung kada araw 
kada oras
madama mong 
ako ang iyong kapalarang
may tamis na walang tinag
kung kada araw ay sumibol
ang isang bulaklak sa iyong labi upang
 ako’y hanapin
Ay! aking sinta, Ay! akin,
sa aking kaloooban lahat ng apoy ay uulit
sa aking kalooban walang pumanaw o nilimot
pag-ibig ko'y binuhay ng iyong pag-ibig, giliw,
at habang ikaw ay buhay
ito’y na sa iyong bisig 
ng di lumilisan sa akin.

No comments:

Post a Comment