Walang rebolusyon,
wika ng isang namundok
sa kanyang dating
kasama sa kilusan.
Ang kapangyarihan
ay kakabit ng
katakawan; ang
bayani noon,
punong malupit ngayon,
sabay lagok ng
isang basong serbesa.
Sagot ng kasama,
bakit ka pa umasa sa
mga pangako ng libro?
Sa ‘king buhay, nakamit
ang pagbabago,
nang maging ama at
nag-alaga ng mag-ina,
tuloy tagay ng baso
at lagay ng yelo.
Tumahimik ang nauna,
Bakit nga ba, isip niya,
mas mahusay makinig
sa kausap na lasing
kaysa sa politiko sa Luneta?
No comments:
Post a Comment