Tuesday, February 28, 2017

Day 59: Usapang Lasing

Walang rebolusyon,
wika ng isang namundok
sa kanyang dating
kasama sa kilusan.
Ang kapangyarihan
ay kakabit ng
katakawan; ang 
bayani noon,
punong malupit ngayon,
sabay lagok ng 
isang basong serbesa. 

Sagot ng kasama,
bakit ka pa umasa sa 
mga pangako ng libro?
Sa ‘king buhay, nakamit
ang pagbabago,
nang maging ama at
nag-alaga ng mag-ina,
tuloy tagay ng baso
at lagay ng yelo.

Tumahimik ang nauna,
Bakit nga ba, isip niya,
mas mahusay makinig
sa kausap na lasing
kaysa sa politiko sa Luneta?



No comments: