Tanong ni Joseng Sisiw
sa batang eskwela —
May tula bang makikita
pagtayo mo sa kalsada
hawak ang pansahod ng barya,
trabaho’y sumenyas sa rumaratsada
ipahiwatig parating na tren o wala pa?
Sagot naman ng bata —-
Kay hirap ngang humanap
sa buhay na sinapit.
Maaring umawit, magbilang, sumayaw,
bago ang tren ay dumating. Ngunit
sa malamang sa hindi
tula ay wala sa kalyeng mainit.
Tumalima ang makata, eskwela ay biniro
—Ay huwag hamakin,
gawaing tapat at marangal.
May galing din namang matatawag
sa hamak na hitsura,
galing sa pagkita
ng mailap na kuwarta.
No comments:
Post a Comment