Friday, October 04, 2019

Kabanata 4

Nasa unang palapag sa isang building Ermita ang studio na pinuntahan namin. Pagpasok namin, maraming kuwadro ng mga painting ang bumukad sa amin. Makukulay at magagandang imahe. May isang kahoy na parang nakuha sa dagat at parang may nakabaon na mga salamin na may kulay ng paru-paro. Ang ilusyon na lumalabas ay parang lumalabas ang paru-paro sa kanyang cocoon.

Binati kami ng isang pintor na nagpakilalang si Mang Nanding. Sinabi ni Laura ang pangalan ko, "Manong Nanding si Bitoy po. Boyfriend ko po."

"Kumusta ka, iho?" Sabi ni Mang Nanding.

"Mabuti naman po." Wika ko.

"Bakit ang dami mong dalang libro?" Tanong niya. "Nagtuturo ka ba ng Bible?"

"Ah hindi po. Law student po ako" Sagot ko.

"Ah ganun ba? Mabuti yan." Sabi niya.

Nagsidatingan na ang mga ibang pintor. Isa sa kanila si Celeste. Kasing edad ko yata. Payat na maikli ang buhok. Palangiti siya. Sa biglang tingin, parang nahahawig kay Dawn Zulueta. Si Alex naman ay medyo may kabilugan ang katawan. May hawak siyang mga pastel na pangkulay. Mukhang magaling siya pero tahimik. Yung isa maputi na ang buhok, si Pete. Dumating siya naka-motor. Hawak pa niya yung helmet niya at iyun ay ibinaba niya sa isang upuan.

Nagse-set up sila ng mga easel nila sa paligid ng isang parang maliit na stage na binalutan ng kumot.
Samantala nagsasalita si Celeste kay Laura, "Ang gusto naming pose yung lumalabas ang mga tupi at hugis sa katawan. Beterana ka na naman, alam mo na yan. We want to emphasize the female form."

Nagpunta ng CR si Laura sandali at paglabas niya nakabalot na siya ng bath robe. Sa isang tabi naman, naupo ako at binuklat ang mga kaso nakalista sa CrimPro ni Justice Relova. Nabasa ko na naman lahat maliban dun sa Galman v. Sandiganbayan na panghuli sa listahan. Mahaba ang kaso pero wika ko baka mahaba rin naman ang aking paghihintay.

Samantala, naghubo na ng robe si Laura. Hindi ito ang unang pagkakataon na makikita ko siyang nakahubo, pero parang may auto-pilot akong kaibigan sa loob ng aking pantalon. Ganyan na yan mula nung nagkalapit kami ng loob ni Laura. Tuwing makikita ko si Laura at lalo na kung maamoy ko siya na bagong ligo, para akong may ibang kasama sa ibaba ng baywang ko. Hindi mapakali. Kung minsan naiipit sa maong ko at masakit. Pero hindi ako nagpapahalata.

Ito yung sinasabi ni Schopenhauer - ang kamunduhan ay pagnanasa. Sa salita ni Fr. Joe Cruz, S.J.,  we don't have a drop of blood in our veins that is not motivated by an appetite. Kay Sigmund Freud, lahat ay sexual.  Pero sa akin si Darwin lang ang may mahusay na paliwanag.  Lahat ng uri ng hayop kabilang na ang tao ay naglalaban-laban upang ang matira ay ang matibay, survival of the fittest. Ang aktibidad na sexual ay paraan lamang upang mapalaganap ang lahi ng sangkatauhan. Kaya kung tumatayo ang ari ng lalaki, ito ay pagpapakita lamang ng isang kabilang sa lipi ng sangkatauhan na kailangang ipalaganap ang lahi ng tao ng sa gayon ay hindi siya mawala sa ibabaw ng mundo. Ay naku, ako lang yata ang taong nag-iisip ng mga salita ng mga pantas at pilosopo tuwing tinitigasan.

Subalit tuwing makikita ko talaga yung mabilog na balikat ni Laura, parang hindi ako mapakali. Para itong imbitasyon sa isang masayang habang buhay. At sa pagbaba ng aking mga mata sa kanyang dibdib, parang gusto ko na uli maging sanggol. Kung susundin ang teorya ni Freud, ang pagkaakit ng mga kalalakihan sa suso ng isang babae ay pagbabalik lamang niya sa panahon ng kanyang pagiging sanggol na sumususo ng gatas ng kanyang ina. Gaya ng pagka-akit na nadama ni Oedipo sa kanyang ina na naging asawa pa nga niya. At lalo na habang hinahagod ng aking tingin ang balingkinitang katawan ni Laura.

Naalala ko yung sabi ni Peng, may kaso daw yung Uncle niyang si Atty. Topacio. Rape. People vs. Camote.  Ang depensa ng akusado ay impotence. Nang tinawag daw upang mag present ng ebidensya si Atty. Topacio, tinawag niya sa witness stand si Camote.

"You Honor, I will prove to this Court, that it is impossible for Mr. Camote to have raped the complainant." sabi niya.

Pagkatapos ma-swear in si Mr. Camote, pinatayo siya ni Atty. Topacio sa harap.

"Tumayo ka dyan," sabi ni Atty. Topacio kay Mr. Camote.

Tumayo si Mr. Camote.

"Ngayon, ibaba mo ang salawal mo. Ipakita natin ang ebidensya na hindi na tumatayo yan." Sabi ni Atty. Topacio.

Medyo nag-alinlangan si Atty. Camote.

"Huwag kang mahiya. Ipakita natin dito na hindi mo kayang mang-rape." Sabi ni Atty. Topacio.

Biglang binaba ni Mr. Camote ang salawal at brief niya. Pinakita ang kanyang ari na tila lupaypay na parang cocktail hotdog.

"There it is your Honor. As you can see, it is impossible for this man to have committed the crime of Rape."

Parang pinagyayabang pa ni Mr. Camote ang ari niyang lupaypay. Ngunit biglang hinawakan ito ni Atty. Topacio.

Habang hawak ni Atty Topacio ang ari ni Mr. Camote, "It is impossible your Honor. Even if the crime of Rape is committed when the penis touches the lips of the vagina, Mr. Camote cannot make this happen. His organ cannot even stand...."

"Atty...." sabi ni Mr. Camote.

Ngunit tuloy pa rin sa speech nis Atty. Topacio habang hawak ang ari ni Mr. Camote.

"In numerous cases decided by the Supreme Court, it has been held that...."

"Atty.......Atty..... Tama na yan. Umupo ka na. Matatalo na tayo."  sabi ni Mr. Camote. Ngunit tuloy pa rin sa paghawak ni Atty. Topacio sa ari ni Mr. Camote habang nagsasalita sa korte.

At unti-unting tumayo ang ari ni Mr. Camote. Parang palakol na maraming ugat. Nagulat si Atty Topacio at ito'y nabitawan.

"The Court orders a recess."

Natawa ako ng maalala ko ang kwento habang nakatitig kay Laura at pinipilit ibaling ang isip sa Galman vs Sandiganbayan.

May mga warm up poses pa si Laura bago ito binabad sa isang pose. One minute at two minute poses muna ang pinagagawa sa kanya at madalian siyang ini-sketch na mga pintor sa kuwarto. Iyon daw ay kailangan upang parehong ang pintor at modelo ay maging komportable sa isa't-isa.  Pagkatapos nun, patagal na ng patagal, 5 minutes at 10 minutes. Nang matapos ang huling ten minutes, nag-ring ang telepono. Sinagot ito ni Mang Nanding.

"Hindi raw makakarating si Ferdie. Baka pwede yung kasama mo, Laura" Sabi ni Mang Nanding.

Tumango si Laura at lumapit sa akin.

"Bitoy, baka gusto mo ikaw mag-pose? Pwede ka. Ang ganda ng katawan mo. Walang bilbil." Sabi ni Laura.

"Ako? Naku, baka malaman ng Tiya ko. Ayaw ko." Sabi ko.

"Uy, Huwag kang ganyan. Ok lang yan. Hindi naman nila sinasama yung mukha. Hindi ka makikilala. Sayang 'yan, 500 pesos din." Sabi niya.

"Naku, pwede kaya ang pose ko may binabasa kunwari? Kasi baka maubusan ako ng oras eh." Sabi ko.

"Sige, kausapin ko sila." sabi ni Laura.

At nauwi na nga sa pagpo-posing ko ng nude at pakikipagsapalarang ito. Hawak ko ang Galman vs Sandiganbayan  habang unti-unti akong naghubo. Sapatos. Pantalon. T-shirt. Brief. Pero hindi ko binitiwan ang kaso. At ito na nga yata ang kapalaran ng isang abogado ng batas. Mahuhubaran na ng lahat pero ang kaso hindi mo pwedeng bitiwan. Tatapusin kong basahin ang kasong ito. Ano't-ano pa man.  Naka ilang pose akong 1 minute, 2 minutes, 5 minutes, at 8 minutes. Iba-ibang paraan kung paano magbasa ng kaso habang nakahubo. Pahiga. Paupo. Patagilid. Patayo. Ayos na sana ang lahat ng biglang isinama si Laura sa posing ko.

At pinag pose-kami ng 30 minutes. Dito na nagka-aberya. Tumayo na naman ang kaibigan ko sa baba. Ang ganda kasi ng dibdib Laura, tayong-tayo at ang bango pa niya. Nagsalita si Mang Nanding.

"Teka, hindi pwede yan, Bitoy. Masisira ang tingin namin. Kaya mo bang paupoin muna yan?" Sabi ni Mang Nanding.

"Ah, pasensya na po." Kailangang mag-isip ng mabilis.

"Ah sir, pwede pong humiram ng plantsa. Yung hindi po mainit." Sabi ko. Ito kasi ang ginagawa ko nung araw nung bagong tule ako at tumatayo ang ari ko sa umaga.

"Anong gagawin mo sa plantsa?" Sabi ni Mang Nanding.

"Basta ho, yun lang po ang kailangan ko." Sabi ko.

Inabot sa akin ang plantsa. Malamig ito. Agad kong pinatong sa ari ko ang plantsa at ito'y nalamigan hanggang lumiit uli.

"Ayan ok na po."

Balik sa pwesto ang mga pintor. Sketch uli.

At tuwing nararamdaman ko ang pag tayo nito, pinapatigil ko muna sila upang plantsahin ang ari ko. Pose. Basa. Tayo. Plantsa. Pose. Basa uli. Ganun lang.  Nang matapos ang session, nakailang beses kong natapos basahin ang dissenting opinion ni Justice Relova sa Galman vs. Sandiganbayan, kasama ang plantsa at si Laura.

Wednesday, October 02, 2019

Kabanata 3

Nagkasabay kami sa jeep ng pag-uwi mula sa bahay ni Jay. Taga-Almaciga street pala sa Project 3 si Laura at ako nama'y sa Pajo street umuwi sa bahay ng aking tiya. Mahaba ang traffic noon sa Aurora Boulevard kaya matagal kaming nagkwentuhan. Dati pala siyang nag-aral sa St. Paul's College sa Sta. Mesa pero hindi nakatapos. Napabarkada kay Bing na kapatid ni Jay. Nabuntis. Nagpakasal sila sa huwes para daw hindi lumaking bastardo ang bata. Nang malaman iyon ng magulang niya, itinakwil na daw siya. Hindi raw matanggap ng tatay niya ang mga nangyari. Matagal siyang nagpalipat-lipat ng bahay hanggang tangapin siya ng pinsan niya sa Project 3 upang doon abutin ng  panganganak. Subalit hindi nagtagal ang kanyang pagbubuntis at isang hapon matapos ang matinding away kay Bing, dinugo siya at iyon ay nauwi na sa pagka-agas ng bata. Tatlong buwan lang umabot.

Nagkahiwalay din sila ni Bing. Ang problema kasal na siya kay Bing. Sinubukan niyang makipagbalikan at baka sakali nga naman may pag-asa pa silang dalawa. Pero iba si Bing sa kapatid niyang si Jay. Laki sa layaw. Jeprox ang disposiyon sa buhay. Nang dalhin siya sa bahay nila Jay nang gabing iyon, nakahithit ng marijuana si Bing. Doon sila napadpad sa CR. Ngunit nabasag ang lababo. Nagtawanan kami sa parteng yun ng kwentuhan. Pero dun nya naisip na hindi sila pwede ni Bing. Magbubuntis lang siya ng magbubuntis at walang mangyayari sa buhay nila. Bumalik siya nang umagang iyon upang kunin ang naiwan niyang bag nang gabing iyon.

Babalik na lang daw siya sa dating racket niya. Tinanong ko kung ano yun. Ang sabi niya, nude model daw siya ng mga artist. Tatlong oras daw siyang nakaupo na walang damit. Ipipinta siya ng mga painter na live. Pagkatapos babayaran siya ng PHP 500. Hindi na masama. Libre pa ang pagkain. Noon ko lang nalaman na may ganun palang pwedeng pagkakakitaan. Naisip ko, aba meron akong 300 pesos sa bulsa ko. Allowance ko sa buong linggo, baka ako rin pwedeng i-painting siya ng nude. Kahit isang oras lang. Wala akong alam sa pagdo-drawing, gusto ko lang makita siya na hubo. Ang dating kasi niya, parang si Phoebe Cates na medyo morena at medyo payat. Pero ang ganda ng nga buto niya sa balikat. Maayos ang tindig.

Ibinaba ko siya sa bahay niya at ako'y naglakad na lang pauwi. Malapit din lang naman sa amin. Nang sumunod na mga araw, pinakita niya sa akin ang marriage contract niya kay Bing. Nakuha nila iyon sa Manila. May nilapitan daw sila na nag-aayos ng kasal. Nagbayad sila ng PHP 500. Tapos, pumasok daw sila sa isang maliit na opisina na sinasabing opisina raw ng ministro. Tinanong sila kung anong date ang gusto nilang kasal. Sabi ni Laura, pwede ho ba itapat sa birthday ko? September 21? Noon naman ay October na. Pero okay lang daw sabi ng ministro. Pagkatapos mailagay ang date, pinapirma sila at pumirma rin ang ministro. Ayun -- kasal na daw sila. Ngunit umuwi rin sila sa sariling uwian pagkatapos ng kasal. Parang papel lang talaga ang kailangan nila.

Naalala ko lahat ang turo ni Atty. Mel Sta. Maria na propesor namin sa Persons and Family Relations na pinakaunang subject na inaral namin nung first year ako sa law school. Ang batas sa kasal ang isang pinakamalaking pasakit sa sangkatauhan lalong-lalo na sa mga Pilipino. Yung pinakaunang prinsipyo dyan sinasabing, "(Marriage) is the foundation of the family and an inviolable social institution whose nature, consequences, and incidents are governed by law and not subject to stipulation, except that marriage settlements may fix the property relations during the marriage within the limits provided by this Code." (Article I, Family Code.) Pero sa totoo lang, ano pakialam ng estado sa kasal? Maiintindihan ko pa ang ang pakialam ng relihiyon. Pero sa estado? May inaambag ba ang mga gobyerno sa kasalan ng dalawang tao? At pag mag-asawa na ang dalawang tao, ano ba ang itinutulong ng gobyerno?

Sa katunayan yung kaso ni Wassmer v. Velez, hindi dumating sa kasal si Velez. Nagpadala na lang ng telegrama na tutol daw ang nanay niya sa kasal. Malaking kahihiyan ang inabot ni Wassmer. Biruin mo, pagkatapos ng lahat ng paghahanda, absent ang groom? Di siyempre nagdemanda si Wassmer. Pero ano ang sabi ng Korte Suprema? Hindi pwedeng daanin sa demanda ang kasal. Hindi pwedeng pwersahin ang isang tao na magpakasal sa isang tao kahit naipangako na yan. Ano ang ibig sabihin nito? Walang pakialam ang estado sa desisyon ng dalawang tao na magpakasal sila, sapagkat ang kasal ay boluntaryong desison ng dalawang tao. Ganyan naman dahil ang kasal at bunga ng pag-ibig, at ang pag-ibig ay hindi pwedeng ipaglaban sa demandahan. Walang korte and pwedeng magpapunta ng sheriff sa isang tao upang pilitin na mahalin ang isa pa. Walang writ de amore. Writ of Execution lang. Kung ganun, kung wala na ang pag-ibig, bakit may bisa pa rin ang kasal?

Iyan ang tanong sa akin ni Laura. Ito ang bumabagabag sa kaniya. Sa kanyang pagkakamali na mabuntis bunga ng mapusok na kabataan at makasal bunga nga dikta ng lipunan, kailangan niyang pasanin ang lahat ng kabigatan ng isang babaeng kasal na sa murang edad subalit wala nang pagmamahal sa kanyang asawa. Halos 19 pa lang siya. Ang sabi ko sa kanya, sa pagkaka-alala ko sa batas ng kasal, maraming sabit ang kasal niya. Walang marriage license akong nakita sa kwento niya. Parang naririnig ko na si Atty. Mel na nagwiwika, "The marriage is VOID!" Pero wala pa akong lisensya at nasa ikalawang taon pa lang ako ng pag-aaral ng batas. Samantala, iyong pag-uusap naming iyon ni Laura ay nauwi sa madalas naming pagde-date sa Mcdonald's sa New Frontier tuwing tanghali.

Buhay law school (with love interest): Gising ng alas-6. Bukas ng libro, basa ng kaso. Pagtayo sa higaan, umalis na ang tiya ko at nga pinsan ko. Ako na ang magluluto ng almusal ko. Kadalasan, itlog kape at pandesal lang. Kung seswertehin, may hotdog pa. Pagkatapos kumain, nagpapiyano o gitara ng konti. Oido ng konti sa chords. Mayamaya, balik sa libro at kaso. Pagdating ng alas 1030, ligo na. Bihis. May dress code kami sa Ateneo, kailangang long sleeves with tie. Kahit naka maong, basta long sleeves with tie. Kahit anong tie, kahit tali ng sapatos, tie pa rin yan. Lunch date kami ni Laura sa Mcdo. Burger Mcdo with fries lang. Tig-isang order lang. Hati kami. 50 pesos ang budget. Minsan wala ng coke, minsan walang fries, minsan hindi burger, spaghetti na lang. Ang baon ko 80 pesos lang. Kasama na ang pamasahe, pagkain, at xerox. Kaya hindi pwedeng hindi lumagpas sa 50 pesos ang date. Ang unang klase namin ay alas dos ng hapon. Sasakay ng love bus sa Ali Mall.
Pagkatapos, isang sakay pa ng jeep mula kanto ng Buendia at Jupiter. Dadating sa law school, konting daldal lang at klase na. Pagkatapos ng sunod sunod na klase, uwian na ng 6 pm. Sakay uli pauwi. Dadating sa bahay ng 8 pm. Aral uli hanggang alas 11:00 ng gabi hanggang makatulog. Pagkatapos ay ganun na naman. Pag mulat ng mata, basa ng libro.

Nung araw may nabasa akong sinulat ni Sionil Jose, ngayon ay National Artist for Literature,  na pag gagawa raw ng nobela, lagyan agad ng sex sa umpisa para hindi mabato ang mambabasa. Sa bahaging ito, gusto ko ng ikwento kung ano ang ginagawa namin ni Laura pag walang pasok. Pero hindi na muna. Sa ibang kabanata na lang. Sa halip ikwento ko muna kung anong nangyari nung minsan bago ako pumasok sa  klase sa CrimPro ni Justice Relova. Niyaya kasi ako ni Laura na manood ng nude painting session nila sa Ermita.

Saturday, September 28, 2019

Kabanata 2

Nang pinatay si Ninoy Aquino noong Agosto 21, 1983, isang taon pa lang sa Supreme Court si Justice Lorenzo Relova.  First year naman ako sa San Beda High School. Wala akong naiintindihan sa politika ng mga panahon na yun, basta galit ako kay Marcos dahil tinanggal niya ang Voltes V sa TV at pinalitan ng Candy Candy. Ang hindi ko pa maintindihan noon ay kung bakit may Batasang Pambansa kung saan gumagawa ng batas ang mga assemblyman na halal ng bawat distrito sa bansa, subalit si Marcos ay pwedeng maglabas ng Presidential Decree (PD) na batas na rin. Naisip ko, kaya naman pala ng isa ang gumawa ng batas, bakit may mga assemblyman pa na gumagawa din na batas?  Kumbaga parang nakikipaglaro ka sa batang puro supertrump ang baraha. Kung maglabas ang Batasang Pambansa ng batas, pwedeng baligtarin ito ng PD. Ang bastos, di ba?

Pero may Supreme Court naman kahit paano. Sa kaso na Javellana vs. Executive Secretary (grabe sa kapal, isang buong SCRA!), ang tanong sa Supreme Court ay naratipika na ba ang 1973 Constitution kahit ang ginawang paraan na ratipikasyon ay taasan lang kamay. Walang botohan. Walang bilangan. Ang ginawa nila nagkaroon daw ng Barangay Assemblies. Tapos tinanong sila gusto niyo ba na alisin na ang 1935 Constitution at pairalin na ang 1973 Constitution? Taasan daw ng kamay ang mga tao. Kinuhanan ng letrato at pinadala sa Malacanang. Kaya sabi ni Marcos, ayan ang mga letrato, binoto ng tao ang 1973 Constitution. Ang desisyon ng Supreme Court (6-4). Panalo ang nagsabing naratipika na ang 1973 Constitution. Grabe, parang naging botohan lang ng PTA ang ratipikasyon ng 1973 Constitution. Sino naman ang magpapatunay na nang nagtaas ng kamay ang mga tao sa Barangay Assembly eh yun ang tanong? Paano kung ang tanong ay sinong gustong kumain? Natural lahat magtataas ng kamay.

Kaya nakapagtataka, bakit pumayag si Justice Relova na ma-appoint sa Supreme Court samantalang ganoon ang kalakaran? Hindi ko naitanong sa kanya iyun bago kami magtapos sa law school at bago siya mamatay. Pero ito'y palaisipan. Professor namin si Justice Relova sa Criminal Procedure (crimpro) at Civil Procedure (civpro). Two units lang ang crimpro at nung professor namin siya, matagal na siyang reterido. Subalit parang army drill ang klase. Maghahain siya ng 10 kaso bawat araw at ilang probisyon ng Rules. Ang crimpro ang batas sa paglilitis ng mga kasong criminal. Pagpasok niya, magbabalasa na ng class card. Bubunot ng isa-isa tapos tuloy-tuloy ang tanong. What are the requisites of a valid search warrant? When are  warrantless searches valid? Bawal huminga. Bawal mag-isip. Kung matagalan ka sa sagot, upo ka na. Minsan tinawag niya si Rasho, yung kaklase namin na malakas ang kabog sa dibdib,

"Mr. Rasho, If you were the judge and I am the accused,..."

"Sir, wait." Sabi ni Rasho, "I am the accused and you are the judge?"

"No," sabi ni Justice Relova, "You are the judge and I am the accused.."

""Ah, ok sir.," Sabi ni Rasho, "I am the accused and you are the judge."

"No! You are the judge. Seat down!" Hagalpakan kami sa tawa. Parang Goin' Bananas ang eksena. Umupo si Rasho na iiling-iling pa.

Ang bigat ng mga basahin ni Justice Relova kaya karamihan sa amin umaasa sa digest lang. Pag pinag-recite sa klase, memoryado na ang digest. Simple lang naman, "A was charged with a crime. A pleaded not guilty. The issue is whether the accused is guilty. The Supreme Court said no he is not guilty." Generic na ang kaso.  Kailangan na lang ipakita mo kay Justice Relova na confident ka sa mga sinasabi mo para hindi ka paupoin at bigyan ng singko sa recitation. Pero minsan manghuhuli siya ng nambobola.

Ang topic ng araw na iyon ay Right of the Accused against Self-Incrimination. Ito ang karapatan ng mga akusado na hindi ipahamak ang sarili sa isang kasong kriminal. Nasa listahan ng assignment ang Galman vs. Pamaran, (G.R. No. 71208-09, August 30, 1985).
FACTS: Pinatay si Ninoy Aquino noong August 21, 1983. Marami ang nagalit at nagdalamhati. Pababa ng eroplano si Ninoy nang siya'y barilin sa likod. Ang sabi ng mga escort niyang militar, may biglang lumabas sa likod ng van na susundo dapat kay Ninoy at binaril siya sa likod ng leeg gamit ang Magnum 357. Napatay din ang tao dahil binaril siya ng mga sundalo.  Walang may kilala sa taong iyun, pero yung brief niya ay may nakaburda na pangalan "Rolly." Buong mundo ang nasindak at marami ang nakipaglibing. Upang malaman kung ano ba ang totoo, nagtatag si Marcos ng Fact Finding Commission na pinamumunuan ni dating Justice Corazon Juliano Agrava. Sa pag-iimbestiga ng Agrava Commission, nag-testify sila Gen. Fabian Ver, Gen. Prospero Olivas, Col, Luther Custodio at iba pang mga sundalo.  
Subalit nang matapos ang report ng Commission, sinaad na ang mga pumatay pala kay Ninoy ay mismong mga escort niya. Meron kasing babaeng nakakita mula sa bintana ng mga pangyayari, ang tawag sa kanya ay ang Crying Lady na si Rebecca Quijano. Kinasuhan ngayon ang mga taong mismong nagtestify sa Agrava Commission ng double murder. Sa paglilitis ng kaso, ang mga testimonies mismong ng mga akusado sa Agrava Commission ang ginamit na ebidensya sa kanila. Ang depensa nila, violation of the right against self-incrimination nila kung gagamitin mismo ang mga sinabi nila sa Agrava Commission. Maliwanag daw yun sa 1973 Constitution.  
ISSUE: Will the admission of the testimonies of the Accused before the Agrava Commission constitute as a violation of the rights against self-incrimination? 
RULING:  
J. Cuevas, ponente. 
Yes. All the private respondents, except Generals Ver and Olivas, are members of the military contingent that escorted Sen. Aquino while disembarking from the plane that brought him home to Manila on that fateful day. Being at the scene of the crime as such, they were among the first line of suspects in the subject assassination. General Ver, on the other hand, being the highest military authority of his co-petitioners labored under the same suspicion and so with General Olivas, the first designated investigator of the tragedy, but whom others suspected, felt and believed to have bungled the case. 
The papers, especially the foreign media, and rumors from ugly wagging tongues (Wow ha?) all point to them as having, in one way or another participated or have something to do, in the alleged conspiracy that brought about the assassination. Could there still be any doubt then that their being asked to testify, was to determine whether they were really conspirators and if so, the extent of their participation in the said conspiracy? It is too taxing upon one's credulity to believe that private respondents' being called to the witness stand was merely to elicit from them facts and circumstances surrounding the tragedy, which was already so abundantly supplied by other ordinary witnesses who had testified earlier. In fact, the records show that Generals Ver and Olivas were among the last witnesses called by the Agrava Board. The subject matter dealt with and the line of questioning as shown by the transcript of their testimonies before the Agrava Board, indubitably evinced purposes other than merely eliciting and determining the so-called surrounding facts and circumstances of the assassination.  (Nag-ala Colonel Jessup ba ang mga akusado na ito parang si Jack Nicholson dun sa pelikulang, A Few Good Men?
In the light of the examination reflected by the record, it is not far-fetched to conclude that they were called to the stand to determine their probable involvement in the crime being investigated. Yet they have not been informed or at the very least even warned while so testifying, even at that particular stage of their testimonies, of their right to remain silent and that any statement given by them may be used against them. If the investigation was conducted, say by the PC, NBI or by other police agency, all the herein private respondents could not have been compelled to give any statement whether incriminatory or exculpatory. Not only that. They are also entitled to be admonished of their constitutional right to remain silent, to counsel, and be informed that any and all statements given by them may be used against them. Did they lose their aforesaid constitutional rights simply because the investigation was by the Agrava Board and not by any police investigator, officer or agency? True, they continued testifying. May that be construed as a waiver of their rights to remain silent and not to be compelled to be a witness against themselves? 
The answer is yes, if they have the option to do so. But in the light of the first portion of Section 5 of P.D. 1886 and the awesome contempt power of the Board to punish any refusal to testify or produce evidence, We are not persuaded that when they testified, they voluntarily waived their constitutional rights not to be compelled to be a witness against themselves much less their right to remain silent.

Samakatwid, hindi maaring gamitin ang testimoniya nila sa Agrava Commission. Bunga nito, walang ebidensya halos na nakapasok laban sa mga akusado sa kaso. Acquitted sila at gaya ng isip ng mga nakakarami, moro-moro na lang ang trial. Sa biglang tingin parang ito ay panalo ng mga human rights lawyer laban sa labis na kapangyarihan ng estado. Paano nga ba naman yun kung sa ibang sitwasyon? Pinatawag ka ng isang commission at pinagtatanong na halos pinapaamin ka na sa krimen at bigla ka tuloy napa-amin? Hindi ba kawawa naman ang akusado? Parang isang malaking kabalintunaan yun na sa panahon ni Marcos ay pinaglaban pa ng Korte Suprema ang karapatan ng akusado laban sa abuso ng estado.

Ok na sana. Pero biglang nagtanong si Justice Relova, "What did Justice Relova say?"

Pabilisan ng basa. Walang nakapansin na kasama pala si Justice Relova sa mga bumoto sa Supreme Court sa kaso na yun. Marami siyang  tinawag. Pass na lahat. Mahaba ang desisyon at nasa kadulo-dulohan ang mga dissenting opinion. Tinawag ako.

"Sir, Justice Relova voted that the evidence should be admitted, because the right against self-incrimination should have been invoked when the incriminating questions were asked and not when the entire testimony was offered in evidence." Oks na oks. Parang three-point shot ni Jaworski. Kaway kaway sa audience. Sabay takbong mayaman. Yung ang pakiramdam ko dahil sa parang wala ng pag-asa ang klase na may makasagot pa sa tanong ni Justice Relova. Parang last ten seconds sa basketball. Wala ng panahon para mag-huddle at magdasal sa Lady of Victory. Uno o singko ang laban. Isa't isa.  Ngunit bilog ang bola at iyo'y hawak ko na. Kaya parang simple ko lang na sinabi ang isinulat niya.

DISSENTING OPINION: 
J. Relova 
Section 5 of Presidential Decree No. 1886 provides that: 
SEC. 5. No person shall be excused from attending and testifying or from producing books, records, correspondence, documents, or other evidence in obedience to a subpoena issued by the Board on the ground that his testimony or the evidence required of him may tend to incriminate him or subject him to penalty or forfeiture; but his testimony or any evidence produced by him shall not be used against him in connection with any transaction, matter or thing concerning which he is compelled, after having invoked his privilege against self- incrimination to testify or produce evidence ... (Emphasis supplied.) 
Pursuant to the above Presidential Decree no one can refuse to testify or furnish evidence before the Fact Finding Board. However, his testimony or any evidence produced shall not be used against him after he invoked the privilege against self-incrimination. Stated differently, the privilege against self-incrimination must be invoked when the question at the hearing before the Board, calling for an incriminating answer is propounded; otherwise, before any question is asked of the witness, he would not know whether the information to be elicited from him is incriminating or not.
In the case of Gonzales vs. Secretary of Labor, et al., 94 Phil. 325, this Court held that "the privilege against self-incrimination must be invoked at the proper time, and the proper time to invoke it is when question calling for a incriminating answer is propounded. This has to be so, because before a question is asked there would be no way of telling whether the information to be elicited from the witness is self-incriminating or not. As stated in Jones on Evidence (Vol. 6, pp. 4926-4927), a person who has been summoned to testify 'cannot decline to appear, nor can he decline to be sworn as a witness' and 'no claim of privilege can be made until a question calling for a incriminating answer is asked; at that time, and generally speaking, at that time only, the claim of privilege may properly be interposed.'" And, since it is a personal right to be exercised only by the witness, this privilege against self-incrimination may be waived by him and, when so waived, cannot thereafter be asserted. The privilege is waived by his voluntary offer to testify by, answering questions without objecting and/or claiming the privilege. 
When private respondents gave testimonies before the Board they were not defendants but witnesses invited and/or subpoenaed "to ventilate the truth thoroughly free, independent and dispassionate investigation." They could not refuse or withhold answers to questions propounded to them unless the inquiry calls for an incriminating answer and a timely objection is raised. 
In the case at bar, since the private respondents answered questions from the Fact Finding Board without claiming the privilege against self-incrimination they cannot now be allowed to invoke the immunity clause provided in Section 5 of Presidential Decree No. 1886. 
I vote to grant the petitions."
Sa panahon na yun, tiyak na maraming tumawag sa mga miyembro ng Supreme Court upang bumoto na ietsapwera ang mga testimonya sa Agrava Commission. Gusto ni Marcos na ma-acquit sila Gen. Ver at ituro na si Rolando Galman ang pumatay kay Ninoy. Sa katunayan, pagkatapos ng kasong yun ng Supreme Court naglabas ng desisyon ang Sandiganbayan na sinasabing walang kasalanan ang mga sundalo sa pagkamatay ni Ninoy at ang pumatay sa kanya ay si Rolando Galman. Wika nga ni Justice Teehankee, ito lang yung kaso kung saan ang napatay ang na-convict.

Pero sa ilang talata lang ni Justice Relova sa Dissenting Opinion niya, parang naging palusot lang ang mahabang ponencia ni Justice Cuevas.

Hindi pa tapos ang palakpakan ng tumunog ang bell. Lumapit si Peng sa akin at nagtanong. "Paano mo nabasa yun?"

Sumagot ako, "Salamat kay Laura."

Wednesday, September 25, 2019

Kabanata 1

Pumunta naman kami sa Cubao sa bahay ni Jay matapos desisyunan ni Jay na maghanap ng lang ng ibang law school at huwag ng ipaglaban ang blue book niya sa Civil Procedure. Pagdating namin dun, nakigamit ako ng CR dahil medyo mahaba ang biyahe. Paglabas ko ng CR, tinanong ko kay Jay, "Anong nangyari sa lababo niyo at wasak?"

Napatawa si Jay. "Nag-uwi kasi ng babae yung utol ko nung isang gabi. Napalaban ng husto. Diyan sila nagbanatan. Malamang inupo niya dyan yung babae, kaya ayan. Hindi nakayanan bumigay."

"Ang tindi ng pangangailangan,” sabi ni Peng. "Hindi na umabot sa sofa."

"Nasaan na yung babae?” tanong ko.

"Pokpok, yun, umalis na,” sabi ni Jay.

Bumalik ako sa CR at tiningnan uli ang nangyari sa lababo. Sinubukan kong ilarawan sa isip ko kung paano nila nagawa yung wasakin yung lababo. Parang imposible kasing mangyari na dahil hindi naman ganun siguro kahuna yung lababo.

“Ano na plano Jay?” tanong ni Peng.

"Mag-aaply muna ako ng trabaho. BS Legal Manangement naman ang tinapos ko, Ateneo pa," sagot ni Jay.

Mahaba ang usapan tungkol sa magiging direksyon ng buhay ni Jay, pero naka-tune out ako. Ang iniisip ko yung kapatid ni Jay at yung babaeng sinasabing pokpok habang nasa CR.

Hindi ko kasi kaya yung drama ng sitwasyon ni Jay. Anak mayaman pero malapit ng maghirap. May-ari ng isang malaking unibersidad sa Pangasinan ang lolo niya. Subalit yung mga magulang niya iba ang naging kinahinatnan sa buhay. Maagang nag-asawa. Naging drug addict ang tatay, kaya naman ang nanay niya nagpakalayo-layo na lang sa Amerika. Ang lolo niya ang nagtiyagang magpa-aral sa kanilang tatlong magkakapatid. Sila naman ay nabuhay ng sarili sa Cubao. Nagpapadala na lang ng pera ang Nanay niya para pantustos sa araw-araw. Si Jay naman ay nagtapos sa Ateneo High School at Ateneo College ng ganun lang. Pero sa bahay nila, walang nagmamatanda. Ang paborito kong kwento niya sa amin ay kung paanong nagkaroon ng maraming anak yung lolo niya. Mahigit isang daan daw. 

"Pag walang pang-tuition, pwede ang bayad  via services." sabi ni Jay. Sabay hagalpakan kami sa tawa.

Pero sa mga pagkakataong ito, totohanan na. Kick out na sigurado si  Jay. Under probation na siya this sem. Kung ibagsak siya ni Justice Relova, hindi na siya tatanggapin. Iyan ang sabi ng Code of Academic Responsibility. Kung sa akin mangyari ito, parang hindi ko matatanggap ng ganyan na lang. Kaya palagi kong binabalikan ang tanong, ano ba ang dahilan at nagpapakahirap kaming ganito? 25,000 ang abogado sa Pilipinas, kasama na ang mga patay at buhay. Bakit ko ba kailangang masama sa 25,000 na yun?

Ang sagot ko kasi wala akong magawa. Wala akong alam. Pagkatapos kong pag-aralan ang pilosopiya sa Ateneo, wala akong pwedeng gawin. Sabi ni NVM Gonzalez, kung English Major raw ako marami ang maghahanap sa akin kasi meron akong ISI - Integrity, Sensitivity, and Imagination. Hindi ako English major pero meron ako noon. Pero para magkaroon ng trabaho, kailangan ko rin ng technical competence. Yun ang problema sa Philo major, walang technical competence. Kaya ang lohikal na kahihinatnan ko lang ay ito law school. Kaya pagtatanungin ko ang sarili ko, bakit ba ako nasa law school? Dahil kailangan ko ng technical competence.

Si Peng naman isa lang palagi ang sagot. “Gusto kong idemanda si Satanas.” Hindi ko alam kung nagbibiro siya o ano. Pero may kaso na niyan sa America.  (United States ex rel. Gerald Mayo v. Satan and His Staff 54 FRD 282) Dismissed for lack of jurisdiction. Kasi raw walang sheriff na pwedeng mag-serve ng summons sa impyerno. 

Para kay Jay naman, simple lang - para kumita. Sa aming tatlo, siya ang nakaranas ng buhay na mayaman, pero unti-unting nawawala yun. Ayaw na niyang makigulo pa sa mga kamag-anak niya sa Pangasinan, kaya ang balak niya ay piliting mabuhay na mag-isa.

Biglang may kumatok ng pinto. Binuksan ni Jay at para bang may nakita akong akong diwata ng kagandahan. Pinapasok siya ni Jay at pinakilala sa amin, “Mga pards, si Laura. Kaibigan ng kapatid ko.”

At halos, napanganga ako. Siya yung dahilan kung bakit wasak ang lababo nina Jay.

Monday, September 23, 2019

Blue Book: Prologo

Nang pumanaw si Jay nung isang taon, naalala ko yung blue book niya na sinubukan namin i-appeal para hindi siya ma-kick out. Nasa bahay kami ni Peng sa Filinvest malapit sa Commonwealth Avenue. Second year lang kami noon. Tatlo kami -- ako, si Peng, at si Jay.  Teacher namin si Justice Relova sa Civil Procedure. Ang grade ni Jay -  74. Isang puntos na lang, pasado na siya. Sampung tanong lang kasi ang final exams. Maayos naman ang sagot ni Jay sa lahat, kung bakit ba sa Question No. 9, sumablay siya ng ganito. 

Sa tanong ni Justice Relova, ano raw ba ang dapat i-file kasama ng Complaint for Replevin. Yung Replevin madalas ang remedyo ng mga bangko kapag ang kotseng hulugan ay hindi na mabayaran ng kumuha nito. Para mabawi ang sasakyan, habang nililitis ang kaso, Replevin ang tawag sa kasong pina-file. Pagka-file ng Replevin at nag-post ng bond, pwede ng hatakin ng sheriff. Kasama ng Replevin, kailangan mag-post ng bond. Yung bond, naman ang garantiya ng bangko na kung mapapatunayan na bayad na pala at mali ang pagkakuha sa sasakyan, mababayaran ang may-ari para sa danyos pagkatapos ng kaso. Kaya ang sagot dapat ay mag-post ng bond. 

Kaso ang sagot ni Jason, "counter-bond." Naku, kung sinong ungas naman kaya ang nagbulong sa kanya noon? Yung counter-bond kasi ang remedyo naman ng defendant  sa Replevin kung ayaw ng taong may-ari ng sasakyan na mabatak ang sasakyan niya habang nililitis ang kaso. Samakatuwid, sa umpisa, magpa-file ang bangko ng Replevin with bond. Tapos pag dating ng sheriff, ang pwedeng gawin ng may-ari ay mag-file ng Answer with counter-bond. Simple lang counter  — kontra, di ba obvious? Kaya  hindi pwedeng counter-bond ang sagot, kung tanong ay yung unang bond. 

Magdamag kaming nag-iisip kung anong pwedeng gawin para makakuha ng isang puntos lang. Pero si Justice Relova kasi kung mag-grade madalas, 10 or zero lang. Pag hindi mo nakuha ang sagot, zero
ka na. Swerte na lang sa Question No. 8, nabigyan siya ng 4. Yung Question No. 10 naman, hindi na nasagot ni Jay. Kaya lahat ay nakataya na sa Question No. 9.  Kung bakit ba naman pwede namang sabihin na  bond, naisulat pa niya sa sagot counter-bond? Pero aminado si Jay, nanghuhula lang siya at wala talagang naiintindihan sa Replevin. 

Binasa namin maraming beses ang blue book ni Jay. Sa law school, ang buhay ng career mo sa batas, nag-uumpisa at matatapos sa blue book. Kulay asul na test booklet kaya yun ang tawag. Sa harap nito walang pangalan ng examinee, number lang. Sa likod naman ng cover, may maliit na envelope kung saan nilalagay ang card kung saan isinusulat ang pangalan ng examinee at yung number niya. Pagkatapos ng exam, kinukuha ang card upang hindi malaman ng examiner kung sino ang may-ari ng blue  book. Pag natapos ng ma-check, saka lang ipinapares muli ang card sa blue book sa pamamagitan ng numero. Ganyan din sa bar exams. Walang magagawa kung magaling kang mag-salita o mataas ang IQ mo. Ang sagot mo sa blue book ang tanging basehan kung magiging abogado ka o hindi.

Swerte na lang ako na may dalawa akong tiyuhin na abogado na madalas magpayo sa akin na kailangang maganda ang sulat ko para pag binasa ng bar examiner ang sulat ko, madaling maiintindihan at bibigyan ng puntos. Kaya ako naman, talagang pinagplanuhan ko ang magiging itsura ng aking blue book tuwing may exam. May nagpahiram sa akin ng libro ng lettering ng Italics gamit ang flat tip na Rotring Art Pen. Isang taon kong prinaktis yun. Lahat ng papel na makita ko sa bahay ay sinusulatan ko. Sabi ng libro, dapat even and fluent. Dapat ang kapit sa panulat ay magaan at hindi madiin. Tapos, dapat maayos ang margins sa kaliwa't kanan. Indented ang unang salita sa paragraph. Hangga't maari din, dapat walang bura. 

Si Jay naman puro bura. Insulto na lang sa manok kung sabihing parang kahig na manok ang sulat niya. Hindi naman nagsusulat ang manok, talagang nagkakahig kaya huwag ng ihalintulad sa manok. Mabuti na lang si Justice Relova, basta tama ang unang salita mo sa tanong, 10 points na. Kahit malabo na ang kasunod na mga sentence, hindi na niya masyadong binabasa. Kaya naman kahit paano may 74 na si Jay. Pero Question No. 9, may nadagdag na salita - "counter."

Uminom kami noon ng Blue Ice, naka isang case yata kami. May anong salamangka ang Blue Ice. Ilagay mo siya sa freezer, hindi siya magyeyelo. Tapos, pag gusto mo ng inumin, ibuhos mo sa baso at saka nagyeyelo ng malambot, parang softee. Nang lumalim ang gabi, nagkantahan na kami. May gitara akong dala, si Peng naman flute ang gamit. Si Jay naghanap ng kanta sa Jingle songhits. Ito lang ang buhay namin noon sa law school without love life. Batas, beer, at kanta. Wala kaming pang-date. Wala rin lang ide-date. Ang chicha sa bahay lang. Kung minsan, kung may datong, dumadaan kami sa Hong Ning sa Cubao pauwi.  Pero magtitipid kami pagdating ng Huwebes, para may pang-inom sa weekend. Kantahan lang kami magdamag noon. Pagdating nang alas-singko ng umaga, tumayo ako at ibinaba ang gitara.

"Alam ko na ang gagawin!"

Sabi ni Jay,  "Ano?”

Kinuha ko ang blue book, naghanap ng fountain pen na itim pareho ng gamit ni Jay, at kinross-out ang salitang "counter”sa Question No. 9.

"Ayan. Tama na ang sagot. Wala na yung salitang counter. “ 

Tiningnan ni Peng ang ginawa ko. Sabi ni Peng, "Hindi halata. Puro bura kasi naman lahat itong blue book na ito. Pero, paano kung maalala ni Justice Relova ito?"

Sagot ko, "Hindi niya maalala yan. Mahigit isang daan ang blue book na minarkahan niya. Malay ba niya kung ano yung kay Jay dun. Tsaka, kung hindi natin ito gagawin, kick-out na talaga si Jay. Kung mahuli, kick out pa rin. Eh, paano kung hindi mahuli? Eh di, 80 ang score niya. Hindi siya kick-out."

Kinuha ni Jay ang blue book kay Peng. Sinuri ang ginawa ko. Tumingin sa kisame ng bahay nina Peng. Nag-isip ng sandali. 

Dalawampu't-anim na taon mula noong umagang iyon, namatay si Jay sa atake sa puso. Singkwenta'y anyos pa lang. Marami pa sanang taong matutulungan. Naging abogado siya ng mahihirap sa Davao. Hindi siya naging sikat na abogado na lumalabas sa tv na may malalaking kliyente at nag-oopisina sa Makati. Ngunit sa pakiramdam ko siya ang pinaka-successful na lawyer sa aming lahat. At sa aking hinala, itinadhana na ganoon ang kanyang magiging buhay. Ano ang ginawa niya nang umagang 'yun?

Pinunit niya ang blue book at nag-wikang, "Hindi na baleng ma-kick out sa Ateneo. Maraming eskwela ng batas. Ngunit hindi magtatapos ang aking karera sa batas dahil lamang sa blue book."

Thursday, July 04, 2019

Oldies But Goodies: Maikling Review ng Unang Solo Exhibit ni Alex Bugsy Sibug

Gateway Gallery
Araneta Center, Cubao, Quezon City
July 3 to 17, 2019

Ang gusto ko sa trabaho ni Alex Bugsy Sibug sa exhibit na ito ay nailagay niya ang isang eksena ng aking kabataan sa isang kahon. Pero hindi naman talaga kahon, dahil ito ay isang two-dimensional pastel painting na bunga na pagkabihasa  ni Alex sa mga klasikong technique ng trompe l 'oeil, nalilinlang ang mga mata at napapaniwalang ang mga bagay sa kanyang mga painting ay nahahawakan at nararamdaman, at tila nagbubukas ng pinto upang bumalik ang mga alaala.

Nung panahon ng dekada 70, ako ay nakatira kapiling ng aking mga Lola sa Pola, Oriental Mindoro, kung saan meron kaming sari-sari store. Madalas akong tumambay doon, kaya alam ko pa ang presyo ng mga candy. Halimbawa, ang White Rabbit ay tigdi-dyes. Pareho ng Viva Candy. Yung mga parang maliit na itlog na tsokolate na nakabalot sa palara na maraming kulay, dalawa beinte singko 'yun.  Yung Serge Chocolate bar? Mahal yun -- tigsi-singkwenta. Itong mga Oldies But Goodies, wika nga sa pamagat ni Alex sa isang painting niya, ay ang dahilan kung bakit madalas namamaga ang aking ngipin nung araw, subalit kung may bumabagabag sa akin, napapalakas ko ang aking loob sa pamamagitan ng candy.

Huli kong nakita ang tindahan namin nung umuwi ako ng Mahal na Araw nung 1996 upang ipagdiwang kasama ng aking mga Lola ang aking pagpasa sa bar exams. Umalis ako ng Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay  at di kalaunan ay nagkasakit na ang aking  Lolo, at sinara na ang tindahan. Nung Agosto ng taon ding yun, umuwi ako upang ilibing ang aking Lola, at ang tindahan ay wala na. Magmula noon, tuwing umuuwi ako sa amin, sinasabi ko sa sarili ko na hindi ako makapaniwalang wala na talaga ang aming tindahan. Ito ay parang kagat sa aking puso na aking dinadamdam hanggang ngayon.

Subalit nang makita ko ang painting ni Alex na tindahan ng mga candy para akong bumalik sa amin sa Pola. Tila ba binuksan ni Alex ang nakakandado kong mga alaala at muli ko itong nakikita sa harap ng aking mga mata. Sabi nila, ang mga alaala raw ay may bitbit na mga damdamin. At ang alaala na ito sa akin, lalo na ang  eskaparate ng mga candy, ay may dalang tuwa at ginhawa, na parang sinasabing, ano mang mga ligalig ang dumating sa buhay, maaayos din ang lahat.

Sabi ni Sir Herbert Read, isang magaling na kritiko ng sining at manunulat, only the artist has access to the deep intuitions of the mind and give them objective representation. These deep intuitions, neither rational or economic, exercise a changeless and eternal influence on successive generations of men. Ito ang ginawa ni Alex, sinaliksik niya ang mga alaala ng mga nawalang panahon at binigyang buhay sa harap ng aking mga mata. At sa pagtingin ko sa pangitaing ito, naibabahagi sa akin ang malalim na intuition na ito -- hindi ko alam ang tawag, ngunit sa aking hula ito ang intuition na biyaya ng pagasa.

At dahil diyan, kailangang magpasalamat kay Alex  sa pagbabalik sa akin ng aking alaala ng kabataan, alaala ng masayang buhay, alaala ng pagmamahal, at alaala ng pagasa. Sa panahon ngayon, maraming tao sa mundo ang nalulungkot at nadi-depress sa buhay. Ngunit tinataya ko na sinuman ang may malaking problema na papalaring makita ang kanyang mga obra ay tiyak na matutuwa at mabibigyan ng pagasa kahit isang saglit man lang. Walang gamot, gadget,  o anuman na naimbento na papantay sa pambihirang bisa nito kundi ang pastel at ang papel at ang mahusay na kamay ni Alex. Si Alex ay isang tunay na henyo ng ating lahi.
















Friday, December 14, 2018

Ang Apo ni Tasyo ay Atorni

Marahil kung ipunin ang bawat
minutong aking ginugol kapag
naghihintay tawagin ang aking
kaso -- dati nga nakatitig lang
ako sa dingding, hanggang natuto
na akong makinig sa huwes, tapos
naging alalay sa mga kapwa
abogadong kapos sa palusot,
at sa labis na ngang kabagotan,
inisip ko na lang na kunwari
isa akong preso, nagnakaw ng
motorsiklo, carnapping ang kaso,
trip lang ng barkadang paglaruan
ang Shakey's delivery, eh hindi
pala ako marunong mag-motor,
kaya tinakbo ko na lang, ayun!
Nahuli tuloy. Ngayong umaga,
sesentensyahan na raw ako. At
nasa dulo kami ng listahan.
May abogado rito na gusot
mayaman ang Barong, siya ay ngiting
asong nakatitig. Kung sana ay
ako kaya ang abogado at
s'ya ang preso? -- Malamang may sagot
na akong naisip sa tanong ko,
ang paghahatol ba ay tulad ng
delubyo nang wasakin ang bayan
ng Sodom at Gomorrah ng apoy
at asupre, o di kaya naman
nang magwika ang bayang Judea
ipako'ng anak ng karpintero
sa krus dun sa bundok ng Kalbaryo?
Ay naku! Magkaiba ang sagot! Kung ako
ang abogadong taga-usig o
ako ang inuusig na preso!


Monday, August 06, 2018

Home is not a place

Last night I dreamed I was back in Pola,
lying on the bed where I used to sleep,
in the old house made from trunks of Narra.
There were strangers who were welcoming me
“You’re finally home,” they said, “You’re the boy 

who was brought here when you were just three months
old.” Indeed, I recognized the same house 
by the sea, the sound my Grandma makes as 
she sweeps the street in the early morning,
the gentle rhythm that used to calm me.

But not last night in my dream as I was
restless. And I shouted at the strangers.
“Where is she? Take me to her! This is not
my home!” And I woke up and clutched your hand, 
thinking, my home is wherever you are.

Tango Celeste

You’d be surprised to know this tune
is about winning a horse race
Por Una Cabeza, which means
by a stallion’s head. It reminds

me how twenty one years after
we’re dancing to this beat, inspired
by Al Pacino. Taking turns
to lead and follow, trying not

to break the rhythm, laughing
”wide, wide, quick, side, slide, turn, again”
and being laughed at the way that

we normally do, when someone
has taken a thing seriously
like me tonight, tipsy on gin,
dancing like a Japanese pug.

The night that I asked you to be 
my wife, I almost missed, because
a meeting took too long, traffic
got in the way, you’ve been waiting.

You left, your patience expired
I caught you not a second late, 
Por Una Cabeza, I could 
be singing this song instead, me

alone, guitar in hand, childless
”wide, wide, quick, side, slide, turn, again”
”wide, wide, quick, side, slide, turn, again”
were it not for a stallion’s head.

Friday, July 27, 2018

Holy Iron

I was a teen-ager when my Grandma 
took me to task for this ministry of 
well-pressed pants. Why should I dislike, she asked, 
the long preparation to gather the
leaves of bananas, light the coals, set them in
the flat iron? 

To patiently wait as I fan them ‘til 
the heat is right, ready for the smoothing?
And there is a method to this ritual, 
she said: You start with the pleats
and pockets 

and make your way to the cuffs.
Follow the 
rhythm as you hold the pants 
on the board  — 
fold, press, back  to the dock, fold
press, and back 
again. If you mind yourself 
long enough, 
it resembles the sound 
on Good Friday 

of penitents passing. There is a small 
pail of water to soften the textile, starched, stiffened, and baked.
You dip your fingers 
a bit and bless the  fabric. She had more things to say: the scent of burnt leaves
reminds her of monks praying. The clothes make 
the man, I know, but Grandma taught, the soul, 
vain, reckless, is mastered in the pressing.


Tuesday, July 24, 2018

Some deaths stay with us

Oh, I will never forget Palomo,
black-spotted Dalmatian who came every
now and then to bark and get some viand
leftovers before lunch as he goes to
market; he'd do a few tricks for us like

stand on his hind legs, pretend his human.
He's someone else's dog really but he
pays us a visit like the friend who comes
for coffee to share some thoughts on a bit
of politics, history,  relations,

except that he's a dog.  Until one day
somebody rushed to the house, "Palomo's
been poisoned!" Palomo walked to our yard,
he's making strange noises, his mouth dripping
with bubbles, and he looked at us as if

begging us to do something. Someone said 
make him drink Coke with sugar. My Grandpa
obliged, held Palomo by his neck and
poured the concoction on his mouth, but poor 
Palomo laid down sideways on the ground.

My Grandpa wept as he held Palomo,
who took his last breathe shortly. I touched his
soft fur to say goodbye. Wet eyes staring
on blank space.  Ah, this happened 40 years
ago; I sob like t'was this afternoon.

Wednesday, July 11, 2018

Dose

Nung araw, nagtayo kami ng team
Iba’t-iba ang pinanggalingan:
Probinsyano, batang squatter, rich kids
Pandak, matangkad, payat, mataba
Problema lang, lahat kami point guard.
Pag-hawak ng bola, dribble, dribble, 
tuloy tira basta maka-shoot lang.
Ay! Walang panalo kahit isa.
Ngunit minsan dumating si Coach Jay.
Marami siyang itinuro sa’min.
Gumaling kami. Natatalo rin
pero iba. Kung baga sa pan de
sal, tinama niya ang mga sangkap
harina, tubig, pampaalsa at 
asin. Minasa ng katamtaman.
Kaya kami yumabong, nagbigay
ng lakas, ‘di lang sa amin mismo,
pati na rin sa mga kalaro.

Isang gabi bigla siyang hinuli 
ng mga sundalo, rebelde raw.
Isa sa aming dose rin pala
ang nagsumbong. Ang balita namin
pinatay siya sa bundok kasama
ng mga magnanakaw. Subali’t
anuman ang sabihin nila ay
pinagmamalaki namin siya at 
maski kailan ay hindi namin siya
malilimutan. Mula noon ay
palagi naming inaalala
sa kahit anong gawain, mapa-
laro, trabaho, o pagsasanay: 
Sino sa atin ang gaganap sa 
papel ng minamahal na Coach Jay?

Friday, June 08, 2018

Borong Borong

Let me tell you how I learned empathy.
I was probably three years old back then.
My parents were in Manila; I lived 
with my grandparents in Pola, small town,
by the bay, lush mountain, sweet bananas.

One day while playing on the street, I met
Borong Borong, a boy older than me 
by a few years. He had a scooter, which
was made of scrap wood and junk steel wheels,  which
he used to roam around town for errands.

Now, my Grandma asked him to come one day
To get some stuff from the market on his 
scooter; he asked me to come along with 
him. I gamely obliged riding on the
platform, while he stirred and pushed as we rolled.

So, Borong Borong got the stuff and we 
went back home to Grandma who was  waiting.
She was so happy when we arrived and 
she handed him a coin in gratitude. 
And I protested as she didn’t give me 

any, not even a poor “mamera.”
But Grandma told me Borong Borong was
an orphan, and the coin is for hot soup
for him when he gets hungry when there is 
no one to feed him and he misses his 

mommy. And I don’t know what hit me but
I cried so hard and pressed my face on the 
wall, surprised that Borong Borong, jolly 
fellow with the wooden scooter, had no
mommy or daddy. And until now I 

regret why I felt I wanted that coin.

Friday, April 20, 2018

Elegy

Almost done with breakfast,
got startled as you shreaked
begged me kill the cockroach
under the table please.
As I stood, knife in hand
searched for the intruder
Stepped on the evil thing
smashed, squished, and crackled so
the sound of frying egg
“I killed it with a knife.
That’s truthful, isn’t it?
Misleading, but valid.”
I saw the insect’s kin,
the corner of the room,
A whimper, “You humans!
Your words hide cowardice.
By an assassin's Crocs
My dear daddy is dead.
My mother will be shocked.”

Monday, April 16, 2018

Prelude to a Fight

Said the white rooster 
to the red
“Don’t you tire 
of this pecking? 
Our beaks are sharp
our necks strong and flexed,
are we meant
to serve 
a higher order?”

And the red replied,
“Impertinence!
Bury your claws on 
someone’s throat.
To perish with 
bloodied combs,
no reason 
can be as great.

And the white
turned away,
flapped, jumped
and crowed in 
memory of a love, 
who laid,
with ketchup 
by her side.


Friday, April 13, 2018

Plato in Boracay

Charming island 
blue sails
where coconuts
grow on sand;
warm afternoons
on your cold floor
lured everyone to come.
Athens of the east
to all who search
and the few who find.
With you the hemlock 
is sweet 
escape from 
sophist souls.
Die if we must here.
Kant is a moron.
The truth is cradled on
your shores.

Friday, March 30, 2018

Foucault gets drunk on Good Friday

What knowledge can be 
more powerful than 
knowing that You are
God?

A thousand different 
things I would do if 
I suppose I were 
You.

I snap my fingers
Calvary would have 
turned into a crois-
sant.

Your trick turning blood
into wine but I 
prefer a Pinot
Noir.

Pontius Pilate I 
would have turned him in
to crumbling cheese of
blue.

Yet two thousand years
ago, You knew that
the Word that made all
words 

possible will end,
life lived well will meet 
a staggered humble
death.

And I, contemplat-
ing this last bottle
shake my head as I
sleep.

Sunday, March 04, 2018

Friday Night Rhapsody

What could be a better deal than this?
I give you my money
You give me in 
toxi
cation.

The spirit I can’t hear it.
No, I can’t see it. 
Only one way to do it
in
toxik
cayshen.

Smile when I smell it
Taste but no tether
it won’t give me in
tohksi
cayshen.

I gulp and I'm done
I'm done and I'm gone.

This is how we live today
distracted by the focus
focused on distraction.

In
tok
shi
kay
shen.

Wednesday, February 28, 2018

Impeaching Sereno is a giant step backwards

A couple of years ago, I posted here that the appointment of then Justice Sereno is the most important defining moment of the PNoy Presidency. She was the only nominee who was insulated from powerful interests and  with a reputation for academic excellence, and integrity. Further, being the youngest nominee,  she could ensure that the Supreme Court would be stirred towards independence beyond the terms of succeeding presidents. And she proved PNoy’s appointment motives right when she herself voted against the PNoy Administration’s pathetic defense of the infamous pork barrel scheme known as Disbursement Acceleration Program (DAP). 

Is it therefore any wonder that the agenda of the Duterte Administration is the impeachment of CJ Sereno? Duterte wants things done and the last thing he needs is an indepenent court run by an academic with an apolitical leaning. He and his people have said many times that the drug addicts are not human and they don’t deserve due process. In his first State of the Nation Address, he grumbled about human rights, in the process revealing his authoritarian leanings. Duterte and Sereno stand in opposite poles of the political spectrum, one a despot who fashions himself as a spartan; and the other, a religious libertarian free of Vatican dogma.

I’m afraid CJ Sereno’s ship, which once stood as formidable, has been found to have holes. Her issue with her Statement of Assets and Liabilities and Net Worth is not a magnet that could rally thousands to oust her; but, since her predecessor stumbled on the same thing, it’s a legal excuse that the Senate and Congress dogs of Duterte can use to impeach her. Never mind if it’s not even a high crime as required by the Constitution.

I’m looking at the Senate line up whose votes would determine CJ Sereno’s fate. What would be their gains in voting for CJ Sereno’s acquittal? It doesn’t look good. If only CJ Sereno can rally people to her side; yet her pedigree is anathema to the ways of the morally-compromised politician that sadly is the proto-type of a Filipino leader. The people should realize that the impeachment of CJ Sereno is a re-establishment of the old order, a return to the ways of the “bata-bata” system that made it possible for Ferdinand Marcos to legitimize his cling to power in 1972. But nobody cares at this point. Duterte has the nation bewitched with several narratives that cut across interweaving interests; the Chinese invasion of Philippine territories, the tax TRAIN, the drug menace, the roll-out of  infrastructure projects, and the Dengvaxia vaccine fiasco, among others. 

What depressingly interesting times we live in. 
#StandwithCJ

Saturday, October 28, 2017

Day 79: How do you like to spend eternity hazing?


And so it comes to pass that our law students are going through the old and barbaric system of hazing again to initiate a member into fraternities. Hazing is an eternal recurrence — nobody knows who invented it, for what reason, and why people engage in it. It is probably as old and as returning as an army of soldiers assembled to defend a king. 

With the recurrence of this foolish practice, I am reminded of the Doctrine of Eternal Return. It is said that what you do on earth, you will do in eternity. It is the phenomenon that follows from the cyclical nature of time. Thus, every event in the universe, in all its details and in its whole cosmic context, will recur an infinite number of times in exactly the same way that it has already occurred an infinite number of times in the past. 

 I’ve often used the Doctrine of Eternal Return as a tool for discerning my actions.  Before doing something, I simply ask myself — is this action something that I can do in all eternity? In the Philippines, I’ve heard declarations that mirror this Doctrine as, for example, the saying “Ang nabuhay sa baril, sa baril din mamatay.” (Live with the gun, die with the gun.) On a lighter note, I’ve heard men professing their love to maidens and say, “Pakakasalan kita sa lahat ng simbahan.” (I will marry you in all the churches.) 

But to go back to hazing, I ask each prospective neophyte and senior frat members to think about this before they find themselves in a hazing incident again. Is hazing something you are happy to do forever?  There is no escaping the curse of eternal return — it is as certain as the sunrise and the sunset — you will be the hazer or the hazed for all eternity. And each death that occurs in a hazing has and will be occuring in an infinite number of times. If you even try hazing with a promise that you will never do it again, you will be engaging in wishful thinking  — for like the others before and after you, hazing will forever be in your fate. It will haunt your dreams. The vision of this madness will be on endless repeat mode in the Youtube playlist in your minds. 

We are all on this earth only for finite number of years.  And whatever we do in these years we will do infinitely. Is hazing really worth doing forever?

Tuesday, September 26, 2017

Day 78: Hope

"Master, why do we repeat our mistakes?"
asked the pupil to the Master.

The Master shook his head.

"We're no different from a dog with a piano.
There is a chance
it can play Moonlight Sonata
even as it keeps pounding 
the same keys."



Monday, September 25, 2017

Day 77: Purpose

“Master,” the pupil asked,
”does anything happen by chance?”
And the Master made a frown,
“When the universe speaks to you,
it is never superfluous;
everything,
like the dirt in your dog’s paw,
is the message.”

Friday, September 08, 2017

Day 76. The Wisdom of a Rat

Asked the pupil to the Master,
"Master, why is life so difficult?"
The Master looked at him and smiled.
"Try asking that to a rat," the Master said.
"It would probably say it doesn't mind, 
but you with your big brain,
you pester yourself with silly questions."

Wednesday, August 23, 2017

Bar Boys is a topnotcher

The danger in having a lawyer watch a film about law school is he might see things in the movie that aren’t there. Going through the maze of more than a  hundred years of law and jurisprudence while honing the legal 4Rs — reading, recitation, (w)riting, and (a)rithmetic, and being constantly subjected to an ultimatum, law or videogame cohorts, law or your girlfriend, law or your sick parent,  is an experience a lawyer is not inclined to repeat. There is a possibility that a film about law school will generate ghostly apparitions in the lawyer who went through the hard years and came out scarred but alive.

But I’d like to think I managed well, as I sat through Bar Boys, a film supposedly premised on the ultimate horror experience of law school, letting images and scenes trigger memories from the period in my 47 years on earth which I often describe as  being “on leave” from everything else. I was both laughing and teary-eyed at the shock of recognition upon being shown images of bundles of photocopied cases, markers, heavy volumes of law books, and the law school characters: the arrogant professor with a twisted-tounge, the violence of the frats, and the esoteric but crucial difference between the curve and the cut-off grading system. Indeed, Bar Boys delivers the authentic law school life. I have to check myself now — yes, all of those things were in the film.

Bar Boys is a story well told. It got an “A” rating from the Film Ratings Board, because  it is not a strung up gag show about law students, but a solid and coherent film about four young adults going through law school hell. 

There are at least four stories here finely woven into an easy running time of 71 minutes. Christian is the rich Harvard-bound looker with a perfectionist father and a displeased girlfriend. Toran is the fratman who becomes part of a hazing session that shakes his moral compass. Eric is the struggling son of a security guard who experiences the ultimate test of emotions, taking the bar exams while grieving the death of his father. And Joshua is the one that did not make it to law school; he probably ended up us the client.

The film is an adventure to the sub-realm of the legal world. In the process, the characters experience the heartless system that separates the elite group who makes it to the other side of the bar and those who are left to stay in the same side as the masses. The characters hurdle their own tests, often less about the law but more about themselves, and their friendship itself is tested at the climax of the film.  

Joshua, the non-lawyer among the leads, judges his friends, “mga nilamon na ng systema” (those who have been eaten by the system), reflecting the idealist lamentation of our lost hopes that we put on our lawyers and the legal system.  But what is the alternative to the legal system that we often complain about but the reckless and brutal authoritarianism and lawlessness of dictatorship? Hobbes be damned. The legal system centered on due process as an absolute is a great system. Oops, that one did not come from the film. Yet, Bar Boys pulls out Ranier Maria Rilke from the Book of Images  as a professor consoles the bar flunker close to the end of the film,  “The purpose of life is to be defeated by greater and greater things.” So, fine,  we’ve been eaten by the system, but it is a damn great one.

I hope Bar Boys generates enough interest to break ground on a new film genre about the Filipino experience of the law. It is only through stories like these, well-told and entertaining, that we can reconcile with the alienation that most of us feel with the law and its disciples.

Wednesday, August 02, 2017

Day 75

Asked the pupil to the Master,
Is it good if the evil man
is killed by evil means?

And the Master replied,
Careful with your words.
To the eagle killing a snake,
the snake is the evil one;
to the snake,
it is the eagle.

Sunday, July 16, 2017

Day 74: Tanong

May pilosopo ba
sa langit?
Kung nakita na ang
katotohanan,
at ang diwa ng kataga ay
ngayon at magpakailanman pa man,
kung ang misteryo
ng pag-ibig at pagkasuklam,
ng tapang at takot,
ng meron o wala
ay nasagot na,
ano na ang gawain ng
dating pilosopo sa lupa?
Kung wala,
dito na lang ako.
Mas maligaya ako
sa tanong kaysa
sagot.